Sunday, March 25, 2012

Vice Ganda aminadong balahura sa katawan

Walang naging problema si Vice Ganda sa Ca­la­yan Surgicentre na kanyang iniendorso noon. Nai-launch na kamakailan ang komedyante bilang bagong endorser ng Belo Medical Group.
“Hindi naman puwedeng tumanggap agad, siyempre noong nag-expire, meron pang six-month period na hindi puwede mag-endorse ng anything na katapat nila ganun. Siyempre mahirap din kasi naging kaibigan ko sina Doctors Manny and Pie Calayan. Hindi naman ito dahilan ng pagiging kaaway o ano pa man. Medyo madali rin kasi naniniwala din naman ako dun sa pinalit ko. Magiging mabigat sa akin ’yun kung alam kong wala akong magiging tiwala doon at pera-pera lang,” paliwanag ni Vice.
May mga nagsasabi na may kinalaman daw ang kaibigan ni Vice na si Kris Aquino sa kanyang paglipat ng skin clinic lalo pa’t pareho na sila ng manager ngayon. “Puwede na­man talaga, puwedeng mabigyan ng kulay at lahat naman lalagyan ng kulay. Kahit ano naman ang sa­bihin natin kasi again and again ako naman ang nag­dedesisyon for myself. Hindi ko manager si Kris,” nakangiting pahayag ng komedyante.
Samantala, hindi naman masyadong vain si Vice sa kanyang sarili.
“Sobrang balahura ako, wala akong kaarte-arte sa katawan. Kaya nga kami nag-aaway ni Kris kasi kapag nag-a-out of the country kami, gusto niya bago matulog maliligo muna ako. Hindi ako maliligo, napagod na ako, bukas na lang paggising ko kasi kapag naligo ako mawawala pa ’yung antok ko. Hindi naman nangangahulugan na marumi ako sa sarili. Hindi lang ako masyadong maarte,” giit pa ni Vice.
Ngayong nanganak na Andi magpapaka-mature na sa gagawing teleserye at pelikula
Excited na si Andi Eigenmann sa kanyang pag­babalik showbiz. Matatandaang nanganak ang aktres kamakailan at ilang buwan din siyang hindi lumabas sa telebisyon at pelikula.
Muli rin siyang gagawa ng pelikula pero ngayon ay mas gusto ni Andi ang mature role.
“Siguro mas adult lang. Hindi naman po ako nagbago, nanganak lang. Ako pa rin po si Andi and ganun pa rin ako, siguro nag-iba lang. Now, I’ve grown to be more mature,” paliwanag ni Andi.
Umaasa rin siyang patuloy pa rin ang suportang ibibigay ng kanyang mga tagahanga katulad ng pagsuporta nila noon sa young actress na anak niJaclyn Jose.
“Sana matanggap pa rin ako ng tao sa kung ano ang maipapakita ko ngayon. Tutal, parang wala rin naman masyadong pagbabago. Ang gagawin ko lang, I will just work really hard to prove that I deserve the second chance that I got. Kinakabahan po ako kasi gusto kong matanggap pa rin ako ng mga tao, just like before, pero I’m really on to showing people that I really deserve a second chance,” pagtatapos ni Andi.

No comments:

Post a Comment